Talitha Sotto, cute na cute sa kanyang mga litrato habang nasa Japan

Bilang bata ang oras at panahon ng mga magulang natin para sa atin ay malaking bagay na ating nagiging pundasyon sa pag laki. Masarap nga naman kasing maging bata hindi ba? Noong bata tayo may mga lugar na talaga nga namang nais nating puntahan gaya ng mga sikat na park at pasyalan.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa latest post sa Instagram ni Pauleen Luna Sotto ay makikita ang mga snaps at videos ng kanilang pamamasyal sa Disneyland, bagamat maulan ay talaga namang nasulit ng pamilya ang pagpunta,

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Absolutely priceless to see my little girl enjoy Disneyland for the first time!! Not much pictures bec of the rain but it was worth it!!!” sulat ni Pauleen sa caption.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa video ay makikita ang ilang clips kung saan nag e-enjoy silang pamilya na ang highlight ay si Tali na halata namang core memory unlock ang moments.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Nito lang din nang nagdiwang ang pamilya ng ika-limang kaarawan ni Tali, kung saan ay pinaghandaan din ng mag asawa. At ngayon ay talagang pampered ang anak nilang si Tali dahil bagamat busy ang kanyang magulang na sila Vic at Pauleen ay hindi talaga nila kinakalimutang i-cherish ang childhood nito.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Kapansin-pansin ito sa mga karaniwang naibabahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram feed na ang laman ay ang mga moments nila with Tali. Ngayon ang pamamasyal nila ay isa ding tanda ng effort nilang mag asawa.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Si Vic Sotto ay isang Filipino actor, singer at comedian kilala sa iva’t ibang telebisyon at mga proyektong pang pelikula dito sa Pinas mapa GMA, TV5, art ABS-CBN. Sya ay isa sa tatlong pioneer hosts ng Eat Bulaga!, na maituturing na longest-running Philippine noontime variety show.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Si Vic Sotto ay isang beterano nang actor at host sa entertainment industry. Samantala si Pauleen Luna ay isa namang Filipino actress at television personality. Lumabas sya sa GMA Network, particularly isa sa mga regular hosts ng Eat Bulaga kung saan gumanap din sya bilang child-woman character na si Baby Poleng.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

 

Sa Eat Bulaga! nga nagkakilala ang dalawa. Noong December 2011 ng nag simula silang mag dat at itong September 2015 nang kinumpirma ni Vic ang engagement nila. Ikinasal ang dalawa nang January 30, 2016.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram