Teleseryeng “Make It With You” na pinagbibidahan ni Liza Soberano at Enrique Gil, tinanggal sa listahan ng mga itutuloy na ipapalabas sa telebisyon

Masayang ibinalita kamakailan ng ABS-CBN ang pagbabalik shooting ng ilang mga paboritong palabas nila katulad ng Ang Probinsyano, Love Thy Woman, Magandang Buhay, at marami pang iba.

Credit: makeitwithyoutv Instagram 

Nagulat naman ang mga LizQuen fan at tagasubaybay ng teleserye ng LizQuen nang mapansin na wala sa listahan ang teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan ni Liza Soberano at Enrique Gil sa mga magpapatuloy nang magshooting ngayong General C0mmunity Qu@rantine (GCQ).

Kahapon ay naglabas na ng statement ang manager ni Liza na si Ogie Diaz at opisyal na inanunsyo ang naging kapalaran ng teleserye.

Credit: makeitwithyoutv Instagram

Dito ay ipinahayag niya ang kalungkutan na hindi na mapapanood ang mga natitirang episode ng teleserye dahil ihihinto na ang pagshoot para dito.

“Sa mga nagtatanong kumbakit hindi nakasama ang “Make It With You” sa magbabalik sa telebisyon ngayong June. .. Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo bilang manager ng isa sa bida (si Liza Soberano) na hindi na po ito mapapanood pa.”

Credit: Liza Soberano Instagram

Sinabi ni Ogie na alam na ni Liza at Enrique ang balitang ito at mapapanood na lamang sila ulit sa telebisyon pagdating na isa pa nilang bagong teleserye.

“Alam na po ito ng lahat ng cast, lalo na ng LizQuen. Alam kong nabitin kayo sa love story nina Billie at Gabo, kaya hintayin na lamang po ang pagbabalik ng loveteam sa isa pang bagong teleserye. Salamat po, mga Kapamilya!”

Credit: Liza Soberano Instagram

Maraming mga taga-suporta at tagasubaybay ng teleserye ang nalungkot sa natanggap nilang balita.

“I’m going to miss tinapay corner huhuhuhu”

“Why? Am feeling sad! Looking forward to see them again!”

“sinusundan pa naman ni madir ang MIWY ??”

Credit: Liza Soberano Instagram

“omg favorite ko pa naman yun seryoso huhu”

“awwww! ano ba yan. abang abang pa naman akoooo”

Hanggang ngayon ay wala pang nilalabas na statement o mensahe ang mga bida ng teleserye na sila Liza at Enrique.

Ang teleseryeng Make It With You ay nagsimulang umere sa ABS-CBN noong January 2020. Ang mga kasama nila Liza at Enrique sa mga cast ay sila Ian Veneracion, Pokwang, Herbert Bautista, Katya Santos, at Fumiya Sankai.