“The camera doesn’t need to be ‘on’ for you to help”: Bwelta ni Heart Evangelista sa isang netizen na kumwestiyon kung tumulong na siya sa mga nasalanta ng bagy0

May buwelta si TV actress Heart Evangelista sa isang netizen na kumwestiyon kung nagbigay na ba siya ng tulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagy0. Sa isang Twitter post ay sinabi ng nasabing netizen na hindi pa umano niya nakita si Heart na nagbukas ng kanyang ‘wallet’ para tulungan ang mga naapektuhan ng bagy0.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Ani netizen sa kanyang Twitter post, “Sorry di ko ata nakita pero nagbukas na ba ng wallet si Heart Evangelista… La lang cure use lang.”

Credit: Heart Evangelista Instagram   

Sumagot naman si Heart sa sinabi ng nasabing netizen. Buwelta ni Heart, hindi umano kailangan na kapag naka-‘on’ lamang ang camera ay saka siya tutulong. Aniya, “The camera doesn’t need to be ‘on’ for you to help.”

Itinama rin ni Heart ang maling spelling ng salitang “curious” na ginamit ng netizen. Pahabol ni Heart sa kanyang tugon, “Also – curious dapat.”

Credit: Heart Evangelista Instagram

Ipinagtanggol naman si Heart ng maraming netizens at ng kanyang mga tagahanga. Nagkakaisang sigaw nila, hindi umano responsibilidad ni Heart na i-dokumento ang bawat pagtulong niya. Anila, desisyon na umano ng aktres kung ipapakita niya ang kanyang pagtulong o palihim siyang tutulong.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Sa totoo lang hindi responsibilidad ng mga artista/mayayaman tumulong! Pinaghirapan din naman nila pera nila..Nasa kanila na kung tutulong cla o hindi.”

“Hindi mo na kasalanan yun kung hindi ka nagpakita ng proof sa mga tao…ang kasalanan mo ay yung kapag pinansin mo yung mga negatibong bagay na sinasabe ng ibang tao sayo. Di mo sila kailangan pansinin kung alam mo sa sarili [mo] na tumulong ka ng malinis at bukal sa kalooban.”

Credit: Heart Evangelista Instagram

“She’s a good person with a good heart. She’s helping because she wants to not because it is her responsibility. Stop making her accountable for everyone.”

“Thats true madam hindi kailangan lagi may media o camera na nakabuntot para patunayan na tumulong ka ang dami tumutulong di na nila broadcast masaya na sila sa ganun lang di tulad ng iba naka update palagi.”

Taliwas naman sa sinabi ng nasabing netizen, si Heart ay nauna nang nag-post na ipapa-auction niya ang ilan sa kanyang designer pieces na damit at lahat ng nalikom ng auction ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyo.

Credit: Heart Evangelista Instagram

Saad ni Heart sa kanyang Twitter post, “I will be auctioning some of my favorite designer pieces on @shopmaisonlovemarie ig account in the next following days…all proceeds will be donated to those affected by this typhoon.”

Kabilang sa mga ipina-auction ni Heart ay ang kanyang Filipiñiana dress na gawa ng Filipino international designer na si Mark Bumgarner na hand-painted mismo niya at ang kanyang Balmain jacket.