Tignan ang napaka-gwapo at bibong anak ng aktres na si Dimples Romana na si Alonzo

Isa si Dimples Romana sa mga tinitingalang aktres ngayon sa Philippine showbiz industry. Hinahangaan si Dimples ng lahat dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Kabilang din si Dimples sa mga may pinakamagandang mukha sa telebisyon.

Credit: @dimplesromana Instagram           

Sa kanyang mga teleserye ay madalas gumanap bilang isang sopistakada babae at mula sa mayamang pamilya si Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Isa sa mga pinagbidahang karakter ni Dimples sa telebisyon na talaga namang tumatak sa mga manonood ay ang kanyang role sa Kapamilya TV series na “Kadenang Ginto” kung saan gumanap siya bilang si Daniela Mondragon-Bartolome.

Credit: @dimplesromana Instagram

Napabilib ni Dimples ang lahat dahil sa husay ng kanyang pagganap bilang si Daniela. Ngunit bukod sa kanyang mga karakter na ginagampanan sa iba’t ibang teleserye, ay mayroon pang isang role na ginagampaman si Dimples na mahusay niya ring nagagampanan. Iyon ay ang pagiging asawa at ina niya.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa kabila kasi ng kanyang busy schedule ay tinitiyak ni Dimples na mayroon pa rin siyang oras para maka-bonding ang asawang si Boyet Ahmee at ang kanyang dalawang anak na sina Callie at Alonzo. Sa katunayan, isa sa mga ginagawang bonding ngayon ng pamilya ni Dimples ay ang paggawa ng mga TikTok video.

Credit: @dimplesromana Instagram

Madalas makasama ni Dimples sa paggawa ng mga TikTok video ang kanyang bunsong anak na si Alonzo.

 

View this post on Instagram

 

Inubos ang kindat ng tiktoker kong bunso 😂❤️💋😍🥰 #AlonzoRomeoJose

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

Credit: @dimplesromana Instagram

Isa nga si Alonzo sa mga celebrity kid na pinupusuan ngayon ng marami sa social media. Sa kanyang taglay na kacute-an at kagwapuhan kasi ay tiyak mabibighani ka.

Credit: @dimplesromana Instagram

Madalas ngang magbigay ng good vibes si Alonzo sa social media dahil sa kanyang mga nakakaaliw na TikTok video. Ngunit bukod sa nakakamangha galing sa pagsasayaw, ay kapansin-pansin din ang taglay na kagwapuhan ni Alonzo.

Credit: @dimplesromana Instagram

Totoo nga ang kasabihan na kung ano ang puno ay siya ring bunga. Walang duda kasing maganda ang lahi nina Dimples at Boyet dahil lumabas na napakagwapo ni Alonzo.

Credit: @dimplesromana Instagram

Tila namana rin ni Alonzo ang pagiging talented ni Dimples. May future talaga ito sa pag-aartista dahil sa mga video nito kung saan ay kitang-kita ang kumpiyansa nito sa sarili.

Credit: @dimplesromana Instagram

Kamakailan lamang ay lumabas sa isang TV commercial si Alonzo kasama ang ina kung saan ay mapaghahalataan ang umaapaw nitong kumpiyansa sa sarili.

Credit: @dimplesromana Instagram

Wala pa man sa showbiz ay marami ng tagahanga si Alonzo na inaabangan ang kanyang paglaki.
Sa ngayon, ay limang taong gulang pa lang si Alonzo at ini-enjoy muna ang kanyang pagiging bata.