Tingnan ang masayang staycation ng buong pamilya ni Alex Gonzaga sa magandang resort na The Farm at San Benito

Sa isa sa mga latest vlogs ni Alex Gonzaga, ibinahagi niya ang mga naging pangyayari sa kanilang family staycation sa isang relaxing place kung saan kasama niya ang kanyang buong pamilya o mga taong kadalasang makikita sa kanyang mga vlogs.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

Makikita sa unang parte ng vlog na magkakasama sa isang sasakyan ang kanyang daddy Bonoy na nagdrive sa kanilang sasakyan, si mommy Pinty na favorite ng mga netizens, at si uncle Jojo na super close na uncle ni Alex. Nakasama rin nila ang asawa ni Alex na si Mikee Morada.

Present rin naman ang sariling pamilya ng kanyang ate Toni na kinabibilangan nina Direk Paul Soriano, Toni Gonzaga, at ang kanilang anak na si Seve.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

Bumisita ang pamilya sa The Farm at San Benito na matatagpuan sa Lipa City. Tila ang pagkakaroon ng staycation ng pamilya ay isang double celebration dahil nabanggit ni Alex na anniversary nina Toni at Paul, pati na rin ng kanyang parents na sina daddy Bonoy at mommy Pinty.

Credit: Alex Gonzaga-Morada instagram

Binati niya ang apat sa vlog. Makikita namang may dala-dalang regalo si mommy Pinty para sa pamilya Soriano. Sa “Master Villa” nag-stay sina Alex. Ang una nilang ginawa ay magswimming kung saan nasubukan rin nila ang isang pang pool na may “heated water”.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Bago matapos ang first day ng kanilang staycation ay nagdinner muna ang pamilya kung saan hinatid sila ng service vehicle sa restaurant mismo ng The Farm. Dumaan rin sila sa Souvenir o Gift shop para bumili ng t-shirts ni daddy Bonoy. Sa next day naman, naglunch muna ang pamilya bago i-try ang iba pang mga activities.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Niyayang maglakad ni Alex ang kanyang mga magulang papunta sa “Secret Garden” ng The Farm. Nadatnan naman nilang nagsi-swimming dito si Uncle Jojo na pabirong tinawag ni Alex na “shokoy”. Makikita sa parteng ito ng pasyalan ang isang pool na may falls.

Makikita rin ang mga peacock sa vlog na paligid-ligid lang sa farm. Hindi lamang swimming ang kanilang ginawa sa araw na ito, dahil na-experience din nilang magpa-spa.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Hindi rin naman nawala sa vlog ang mga moments nina Alex at Mikee na madalas makita sa mga vlogs ng actress-sl@sh-vlogger. Nagdinner ulit ang pamilya bago matapos ang kanilang second day.
Sa kanilang last day ay nagswimming lamang ang pamilya. Nagyaya rin na mag last lunch ang kanyang ate Toni bago sila umalis sa The Farm.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Bago matapos ang vlog, nabanggit ni Alex kung gaano siya kasaya na makasama ang mga magulang. Ayon sa kanya, sinusulit niya ang panahong ito upang magkaroon ng quality time kasama sila na nagsisilbi na ring pay-back sa lahat ng paghihirap nila ngayong sila na mismong anak ang kumikita. Ang mga parents ng Gonzaga sisters ay 38 years nang kasal.

Credit: Alex Gonzaga Youtube

Gamit ni Alex ang kanyang Oppo A94 sa pag-video ng mga clips sa vlogs. Ibinida niya dito ang mga features ng phone na ito habang sinusubukan ang maraming activities kasama ang iba’t ibang miyembro ng pamilya.