Tingnan ang bagong bahay ni Vice Ganda na mamamangha ka sa laki at sa ganda!

Itinuturing si Vice Ganda bilang pinakamatagumpay na komedyante, aktor, at TV host sa Pilipinas. Ngayon ay marami nang naipundar si Vice na katas ng kanyang pagsusumikap bilang isang artista. Kabilang dito ang kanyang bagong bahay na kamakailan lamang natapos gawin.

Credit: Vice Ganda YouTube       

Sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Vice ang fully-furnished niyang bagong bahay. Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon nang unang ipinasilip ni Vice ang kanyang bagong bahay.

Credit: Vice Ganda YouTube

Ikinuwento niya noon na binili niya ang property para sa kanyang lolo na sa kasamaang palad ay pumanaw noong 2014. Nagdesisyon naman si Vice na patayuan ito ng bahay dahil maganda umano itong property.

Credit: Vice Ganda YouTube

Nitong January 1 nga, sa pagpasok ng taong 2021, ay sa kanyang bagong bahay na nakatira si Vice.
Modern at industrial ang desenyo ng bagong ‘valur’ o bahay ni Vice.

Sa loob, unang bubungad sa iyo ang living room. Simple ngunit elegante ang kabuuang hitsura ng living room ni Vice.

Tulad ng isang mall ay naka-centralized aircon ito. Isa naman sa nagbibigay buhay sa living room ni Vice ay ang mga furniture niya na talaga namang kakaiba at takaw pansin.

Credit: Vice Ganda YouTube

Kabilang dito ang isang horse lamp na binili pa ni Vice sa ibang bansa, ang kanyang malaking couch, isang hugis bilog na rocking chair, at isang wallpaper ng sikat na Brooklyn Bridge sa New York City.

Isa ring ipinagmamalaki ni Vice sa kanyang bagong bahay ang kanyang ipinalagay na elevator. High-tech ito dahil mayroon itong fingerprint scanner na pwede lamang gamitin sa pamamagitan ng fingerprint ni Vice at pag-swipe ng isang access card.

Credit: Vice Ganda YouTube

Mapapatigil ka naman kapag nakita mo ang mga painting na nakasabit sa hallway ng bahay ni Vice. Ayon kay Vice, binili niya mula sa mga Pinoy artist ang mga painting.

Credit: Vice Ganda YouTube

Maganda namang pagtambayan ang den room ni Vice na mayroong chill at cozy vibe. Sa loob ng den ay pwede kang manood ng mga pelikula sa malaking projector screen.

Credit: Vice Ganda YouTube

Tampok din sa den room ni Vice ang napakaraming award na natanggap niya sa loob ng kanyang 12 taong pagiging Kapamilya artist.

Pagpasok mo naman sa dining room ay agad na bubungad sa iyo ang isang malaking dining table na pwedeng mag-upo ng 12 tao. Nagsisilbing ilaw naman sa silid ang dalawang chandelier.

Credit: Vice Ganda YouTube

Sunod na ipinasilip ni Vice ang kanyang clean kitchen area na mistulang isang kitchen ng isang hotel. Makikita sa clean kitchen ni Vice ang kanyang malaking refrigerator, mga storage cabinet at isang “dumbwaiter” na maghahatid ng pagkain mula sa kitchen papunta sa itaas na bahagi ng bahay.

Credit: Vice Ganda YouTube

Bongga naman ang swimming pool ni Vice na gawa sa glass. May sariling spa at sauna room din ang bagong bahay ni Vice. Perfect namang mag-chill sa Bar area ni Vice na huli niyang ipinasilip sa kanyang vlog.