Tingnan ang iba sa magagandang litrato sa kasal nina Donita Rose at Felson Palad

Sabi nga ng nakararami, ang oras na tinakda ng Diyos sa isang tao ay laging perperkto. Alam ng Diyos kung ano ang tamang oras para sa kanya, para sa iba, para sa iyo. Kahit gaano katagal, tiwala lang sa Diyos ang kailangan mo at mapapa saiyo ang anumang mithiin mo sa buhay.

Credit: @dashofdonita Instagram

Ganito inilarawan ni Donita Rose ang kanyang kasal nila ni Felson Palad na isang singer at composer din na ginanap sa San Clemente, California. Namataan din ang anak ni Donita Rose na si Joshua Paul Villarama. Simple ang naganap na wedding ceremony at talaga namang napaka ganda ng napili nilang venue ng kasal nila.

Credit: @dashofdonita Instagram

Nakisama din ang panahon at maaraw ang araw ng kanilang kasal. Di rin nila alintana ang kanilang sampung taon na agwat sa kanilang edad. Sinabi pa ni Donita ROse na si Felson Palad ay kanyang “answered prayer.”

Credit: @dashofdonita Instagram

Umani ng mahigit 17k likes ang post ni Donita Rose sa kanyang Instagram account. Binati din silang mag asawa ng mga nakasama ni Donita sa kanyang showbiz career. Star-studded din ang comments section ng naturang post ni Donita.

Credit: @dashofdonita Instagram

Namataan din sa kanilang kasal ang matalik na kaibigan ni Donita Rose na si Krista Ranillo na kasalukuyan ding nakatira sa U.S. at busy rin sa pag lulunsad nila ng kanilang bagong negosyo.

Credit: @dashofdonita Instagram

Nakita ding bumati sa comments si Alessandra De Rossi, Iya Villania, KC Concepcion at marami pang iba. Naroon ding bumati ang mga naka trabaho niya sa iba’t ibang network. Sinabi naman ni Felson Palad sa kanyang post sa Instagram na ang kanilang kasalan daw ay gumugol ng 37 years para lang makasal kay Donita Rose.

Credit: @dashofdonita Instagram

Ibig sabihin nito ay ang kanilang pag iisang dibdib ay ang siyang dahilan kung bakit siya nabvhay sa mundong ito. Masayang masaya ang dalawa sa kanilang pinaka mahalagang araw ng kanilang mga buhay.

Credit: @dashofdonita Instagram