Isa tayo sa mga nag-abang at tumut0k sa pag-iibigan ni Anne Curtis at Erwan Heyssaff. Nakita natin ang kanilang mga simulain bilang magkasintahan hanggang sa sila ay nagkaroon na ng sariling pamilya. At dumating ang kanilang napakacute na si Baby Dahlia.
Credit: @erwan Instagram
Kung iisipin, parang kailan lang noong naisliang ni Anne si Dahlia. Maselan ang pagbubuntis noon ni Anne kaya naman talagang sinigurado nila na full rest si Anne at nagpahinga muna sa showbiz. Nagbunga naman ang lahat ng ito dahil naisilang si Baby Dahlia na malusog at malakas.
Credit: @erwan Instagram
Ngayon, 3 years old na si Baby Dahlia. Hindi ba’t nakakamangha, parang kailan lang, ngayon ay nagdiwang na si Dahlia ng kanyang 3rd birthday. Bilang bahagi ng kanilang selebrasyon, pumunta silang buong pamilya sa Tokyo Disneyland bilang birthday celebration ni Dahlia.
Credit: @erwan Instagram
Siguradong malaki ang ngiti ni Dahlia dahil kahit sinong bata ay pangarap makapunta sa Disneyland.
Sa larawan, makikita si Anne at Erwan na bitbit si Dahlia. Nakasuot si Dahlia ng kanyang napakagandang Cinderella dress at makikita ang napakalaking saya sa kanyabg espesyal na araw.
Makikita din ang kanyang Cinderella-themed cake kaya naman excited at masayang masaya si Dahlia. Talaga namang kamukha ni Dahlia si Cinderella.
Credit: @erwan Instagram
Siyempre, mababas din natin ang mga sweet messages ni Anne at Erwan para kay Dahlia.
“A dream is a wish your heart makes[.] Happy 3rd birthday my petite princess Dahlia Amélie. Will always pray for your dreams to come true,” saad ni Anne sa Instagram.
Credit: @erwan Instagram
“Stay w!ld, child. Our little baby is 3,” saad naman ni Erwan.
Nariyan din ang kapatid ni Anne at auntie ni Dahlia na si Jasmine Curtis-Smith,
Credit: @erwan Instagram
“LOVE HERRRRRR SO MUCH. YOU GUYS ARE THE BEST FOR BRINGING HER INTO OUR LIVES TOO,” saad ng kanyang tita.
Credit: @erwan Instagram
Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ito pra kay Dahlia. Siguradong di nya makakalimutan ang isa sa kanyang pinakamasayang experience.