Tingnan ang masaya at magandang pamilya ni Regine Tolentino

Ang ating mga pamilya ang isa sa mga pinaka-iingatan ng bawat Pilipino dahil sila ang itinuturing nating tunay na kayaman dito sa mundo. Lalong-lalo na at tinaguriang family oriented ang mga Pilipino kaya naman hindi na nakakapag-takang labis na pagmamahal ang ibinabagay ng bawat isa sa kani-kanilang mga pamilya.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

Isa ang kilalang aktres na si Regine Tolentino ang pinapahalagahan ng husto ang kanyang pamilya at sang-ayon na sang-ayon dito. Matatandaang ikinasal si Regine sa kilalang aktor din na si Lander Vera Perez at ikinasal noong 1997 ngunit matapos ang ilang taon ay kinumpirma ng mga ito na hiw@l@y na sila noong 2001.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng hindi inaasahang second chance ang kanilang pagmamahalan kaya naman nagkaroon din ang mga ito ng dalawang anak na babae na sina Reigen at Reigne Perez ngunit tila ba at hindi talaga sila ang pinag-tagpo at nag-hiw@l@y ang mga ito noong 2015 sa pangalawang pagkakataon.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

Ngayon ay parehong masaya na ang mga ito sa kani-kanilang pamilya lalong-lalo na ang aktres na si Regine dahil nitong 2020 lamang ay ipinanganak ni Regine ang kanyang bunsong anak at unang anak nila ng kanyang partner na si Dondi Narciso.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

Kaya naman hindi na nakakapag-takang labis na saya ang nararamdaman ni Regine sa kanyang mas lumaki pang pamilya at nagkaroon pa ito ng isa pang baby girl sa kanyang buhay.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

Kamakailan-lamang ay nagbahagi ang aktres sa kanyang Instagram account ng isang family picture nila ng kanyang masayang pamilya. Sa letrato ay formal na formal ang buong pamilya at talagang sophisticated kung tignan sa kani-kanilang mga pastel color na mga damit.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

Mapapansin ang dalawang magagandang anak ni Regine kay Lander na ngayon ay dalagang-dalaga na pati na rin ang cute na cute na si Baby Rosie. Siyempre hindi nag-pahuli ang aktres dahil fresh na fresh at napaka-ganda pa rin nito hanggang ngayon.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

Hindi talaga kumukupas ang kanyang ganda at para bang mga kapatid lamang niya ang kanyang dalawang dalagang anak.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram

“When we have each other, we have everything” saad nito sa kanyang caption. Simpleng-simple lamang ngunit napaka-ganda ng ibig sabihin ng caption nito. Talaga namang kapag kasama ang pamilya ay wala nang mahihiling pa ang bawat miyembro nito dahil ang tunay na yaman ay nasa pamilya lamang.

Credit: Regine Tolentino Maristela instagram