Tingnan ang masayang bakasyon ni Scarlet Snow Belo sa Africa kasama ang kanyang mga magulang

Enjoy na enjoy si Scarlet Snow Belo sa kanilang bakasyon sa Kenya, Africa. Sa sikat na wildlife conservation area sa Kenya na “Maasai Mara National Reserve” sinalubong ni Scarlet Snow ang bagong taon kasama ang kanyang mga magulang na sina celebrity doctors Vicki Belo at Hayden Kho.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram     

Ilang litrato at videos ni Scarlet ang makikita sa kanyang official Instagram account na mina-manage ng kanyang mga magulang.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Makikita sa mga larawan at video ang saya ni Scarlet habang ini-enjoy ang African wildlife. Mapapanood naman si Scarlet sa isang video na nagbibigay ng update tungkol sa kanilang bakasyon.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Sa video, nag-ala reporter si Scarlet habang ipinapakita ang mga wild animal na matatagpuan sa Masai Mara tulad ng mga giraffe, zebra, buffalo at antelope. Nakakaaliw naman ang caption ng nasabing video ni Scarlet.

Caption ng video, “Hi, peoples. Even the animals here in Masai Mara are having a reunion for the New Year. I know we can’t gather together yet but we can all call each other, right?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)

Sa isa namang litrato ay makikita si Scarlet na tinitingnan nang malapitan ang ilang mga hayop na hindi niya pwedeng lapitan gamit ang isang telescope.

Napakagandang tingnan naman ni Scarlet habang mahimbing na natutulog sa Savannah “like a cub”.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Caption ng larawan ni Scarlet, “I’ve always wanted to know what it feels like to sleep in the savannah like a cub. I loved it. Sunset is the best time.”

Sa isa pang video, makikita si Scarlet na nag-eenjoy at walang takot na pinapakain ang isang giraffe.
Sumakay din si Scarlet sa isang hot air balloon kasama ang kanyang mga magulang at nasaksihan ang kamangha-manghang wildlife at kalikasan ng Kenya, Africa mula sa itaas.

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Samantala, maraming netizens naman ang labis na nasiyahan sa mga magagandang larawan ni Scarlet habang nagbabakasyon sa Kenya. Narito ang ilang komento ng netizens:

“You’re so pretty baby scarlet so as the Nature and the Animals too iloveyou baby girl”

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

“How nice Scarlet that you are seeing the giraffes and other wild animals in their natural habitat. Enjoy your vacation.”

“Hi scarlet!! Wow that’s beautiful!! Have fun and enjoy your day! Be safe always!”

Credit: Scarlet Snow Belo Instagram

Ayon sa isang artikulo na inilathala ng ABS-CBN News si Scarlet ay ipinanganak noong Marso 3, 2015 sa pamamagitan ng IVF surrogacy procedure.