Tingnan ang nakakabilib at kakaibang bonding moments ni Philmar at anak na si Lilo

Isang simpleng buhay nga naman talaga lumaki ang mga anak ni Andi Eigenmann. Kaya naman, sa isang beach trip nila sa Norte sa Alegria, Burgos at Pacifico, ay talagang enjoy na enjoy silang magpapamilya dito.

Credit: Happy Islanders Youtube

Father and daughter bonding naman talaga ang makikita kina Lilo at Philmar. Isa sa mga mapapanood sa video ay ang napakacute na surfing sessions nilang mag-ama. Si Lilo ay nakasakay sa surf board habang si Philmar naman ay hawak hawak si Lilo. Bawat paspas ng alon ay enjoy na enjoy ni Lilo.

Credit: Happy Islanders Youtube

Kagaya ng kanyang ama na award winning sa surfing, ay tila may future si Lilo dito. Habang bata pa lang ay talagang sinasanay na siya sa dagat at mga naglalakihang mga alon.

Credit: Happy Islanders Youtube

Isa din sa mga bonding na makikita din dito ay ang bonding ni Andi at ni Lilo. Mismong si Andi ang nagtuturo at kasama ni Lilo sa kanyang pagsusulat at pagdadrawing. Maganda nga naman ito dahil bilang magulang ay siya din ang unang guro ni Lilo.

Credit: Happy Islanders Youtube

Enjoy na enjoy ang mga netizens sa Happy Islanders Fam. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Lucky for Lilo to be surrounded by simple and genuine people who loves and cares for her so much!”
“Andie can survive without movies. With her natural, simple and no pret3nse aura, this made Happy Islanders way up to 2.07 million subscribers all over the world and still counting. Andie and Philmar have very good parenting approach and skills.”

Credit: Happy Islanders Youtube

“One of the realist vlog in the yt walang team team just andi or philmar alone holding the camera. They deserve more subscribers” “C andi ang tipong gusto mo maging kaibigan kasi d maarti at cool kasama. Kahit sikat siya napaka humble.” “Aside from the cool and refreshing views of Siargao, what entices people to watch is the cute and bubbly Lilo.”

Credit: Happy Islanders Youtube