Tingnan ang nakakakilig na sweet photos ni Glaiza De Castro at kanyang asawa na si David Rainey

May mga hilig tayo na sadyang ibang iba kung ikukumpara mo. Iba’t iba din ang ating mga panlasa pag dating sa mga kung anong bagay ang gusto mong gawin sa buhay. Gayun pa man, pag tapos ng araw ay ang sarili mo pa rin ang mahalaga kung masaya ka sa ginagawa mo at wala kang natatapakang pagkatao.

Credit: @glaizaredux Instagram

Tulad ng taste ni Glaiza De Castro sa kanyang photosh00t kasama ang kaniyang Irish Businessman  na si David Rainey. Noong nakaraan ay nagkaroon sila ng photoshoot sa Sun Downers Zambales.

Credit: @glaizaredux Instagram

Ang kanilang tema ay talaga namang kakaiba at may kalayuan kumpara sa mga lumalabas na tema ng photosh00t ngayon. Sa sobrang kakaiba at the same the cute and sweet, umani ang video reel post ni Glaiza ng mahigit 20k likes on Instagram. Napapaloob sa reel na iyon ang iba’t ibang kasuotan na ginamit nila sa isang araw na photosh00t.

Credit: @glaizaredux Instagram

Makikita dito na ang tema ay maihahalintulad natin sa mga kasuotan noong dekada sitenta. May pagka pormal ang iba pero mahahalata mo sa mga litrato na makaluma ang settings.

Credit: @glaizaredux Instagram

Ginulat din nila Glaiza De Castro ang kanyang fans nung isapubliko niya ang naging kasal niya kay David Rainey noong 2021 na ginanap sa bansa ni David na sa Ireland. Nag paplano na rin sila na mag pakasal dito sa Pilipinas para sa kanilang official church wedding. Marahil ito ang dahilan kung bakit mayroon silang ganitong klase ng photosh00t. Wala pang nakaka alam ng kanilang mga plano pag dating sa okasyong ito.

Credit: @glaizaredux Instagram

Si Glaiza ay nakilala natin bilang isang aktres na may kakaibang atake sa pag arte. Bukod sa showbiz, isa ring women’s rights advocate. Naparangalan pa nga siya bilang Outstanding Women’s Rights & Protection Advocate. Si Glaiza De Castro din ay isang singer dito sa Pilipinas. Kasalukuyan din siyang nakapag labas na ng apat na album.

Credit: @glaizaredux Instagram