Tingnan ang nakakatuwang pagsasama muli nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa isang food vlog sa Singapore

Bahagi na ng childhood o ng iyong teenage years ang sikat na tambalang Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Ilang pelikula ang ating napanood na talaga namang pumat0k sa takilya. Kaya, lahat ay kilala at alam na alam ang tambalang Marvin at Jolina.

Credit: @marvinagustin Instagram

Ngayon, isang napakagandang team up ang kanilang ginawa. Sila kasi ang nagkasama sa isang vlog ng Visit Singapore, na kung saan nilibot nila tayo sa Singapore. Isa sa mga progresibo at magandang bansa sa Asya ang Singapore.

Sa ganda ng Singapore, mapapa wow ka nalang at samahan mo pa ng napakagaling at nakakaenjoy na mga hosts na sina Jolina at Marvin. Puno ng kulitan, kwentuhan at mga funny moments ang kanilang vlog episode.

Credit: @marvinagustin Instagram

Ilan sa mga pinuntahan ng dalawa ay ang mga masasarap at sikat na mga restaurants sa Singapore. Nakipagusap din sila sa mga chef lalo na at chef din si Marvin. Kasama na rin sa kulitan nila ang pagbabalik ng mga memories nila bilang onscreen partner noon.

Credit: @marvinagustin Instagram

“Mga foodies! Mahilig ba kayo sa seafood? Or sa Western comfort food with a Singaporean twist? Sama-sama tayo ni labtim at enjoyin natin ang Singaporean dishes na habol ng ating puso dito sa New Ubin in Singapore! Check out our vlog on the @visit_singapore official FB page para makanood ng experience naming trying the h3art @tt@ck fr!ed rice ni Mr. Pang,” saad ni Jolina.

Credit: @marvinagustin Instagram

Sa post naman ni Marvin, makikita ang kanilang tour at may background music pa na “Chuva Choo Choo”, sikat na kanta ni Joleng.

Credit: @marvinagustin Instagram

“Nachuva-chuchu kami sa sarap ng food sa Singapore,” saad ng post ni Marvin.

Credit: @marvinagustin Instagram

Marami tuloy netizens anv nakamiss sa kanilang tambalan lalo na at napapanood sila sa pelikula noon. Ilan sa mga netizens ay nagsasabing sana daw ay magkaroon ng tambalan ulit ang dalawa. Habang ang iba nama’y masaya na nakitang magkasama muli ang kanilang mga idolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)