Tingnan ang nakakatuwang photosh00t nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap kasama ang napakaganda nilang anak na si Shiloh

Matapos ikasal ni Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan noong 2017, dalawang taon matapos nito ay dumating sa kanilang buhay ang ibinigay ng Panginoon na si Baby Shiloh. Napakabilis lang ng panahon dahil ngayon ay nagdiriwang si baby Shiloh ng kanyang 2nd birthday.

Credit: Rochelle Pangilinan instagram

At sa kaniyang birthday photosh00t kasama ang Nice Print, talaga namang pinaghandaan at pinagisipan nila ni Rochelle at Arthur ang magiging konsepto ng photosh00t na ito. At napili nila ang konsepto ng Barbie at may doll box pa na talaga namang napaka cute.

Credit: Rochelle Pangilinan instagram

Sa IG, makikita si baby Shiloh na akala mo ay nasa loob ng doll box. Bagay na bagay nga naman kay Baby Shiloh ito dahil mukha din naman talaga siyang Barbie sa kanyang kagandahan. May isa ding larawan na naka hakbang si Barbie pala sa kanyang box para makapagpapicture kasama si Rochelle at Arthur.

Credit: Rochelle Pangilinan instagram

Kaya naman, isang touching message din ang inihanda ni Rochelle para sa kanyang anak kasama ng isang video na magkasama silang dalawa. “Ibang klaseng saya ang ibinigay mo sa ‘min, Binago mo ang buhay namin ng Daddy mo. Ikaw ang mundo namin, Ang tanging hiling ko lang ay maging good follower ka ni God sa iyong paglaki,” saad ni Rochelle.

Credit: Rochelle Pangilinan instagram

Darating din naman daw ang panahon na personal na mababasa ni Shiloh ang lahat ng ito kapag natuto na siyang magbasa. “Mahal na mahal ka namin anak! Kapag marunong ka nang magbasa, alam kong darating ang panahon na mababasa mo din ang mga messages namin sayo. Sana ay kiligin ka pa din katulad ng kiliti ko sayo dyan. #2nasiShiloh #Shilohtotoona2,” dagdag pa niya.

Credit: Rochelle Pangilinan instagram

Nakakablessed nga naman na makita at mabasa ang mensahe ni Rochelle. Talagang nakasentro ito sa Panginoon na siya namang magbibigay ng lakas at gabay habang lumalaki si Shiloh.
Nagpaabot naman ng mga pagbati ang mga netizens para kay Baby Shiloh.

Credit: Rochelle Pangilinan instagram