Tingnan ang nakakatuwang throwback pictures ni Kuya Kim Atienza

Sa isang Flashback Friday post ni Alejandro Ilagan Atienza AKA Kuya Kim Atienza na mas naging kilala lalo sa kaniyang show na “matanglawin” at sa pagiging weather anchor niya sa TV Patrol ay nagpost ng mga throwback photos niya kasama ang kaniyang anak noong 1987.

Credit: Kuya Kim instagram

“I was Jose’s age. @jhatienza undeniable where you got your looks from,” ito ang caption sa naturang post ni Kuya Kim. Sa naturang litrato ay kahawig na kahawig ni Kuya Kim noong kabataan nya ang kaniyang anak na si Jose III Hung Atienza.

Maraming fans ang namangha sa uncanny resemblance nilang mag-ama. Ang ibang netizens ay inakala pang si Jose mismo ang nasa litrato ni Kuya Kim. Marami ring nagwapuhan sa throwback na litrato ni Kuya Kim at ang iba ay nagsasabi pa na kamukha niya ang Korean Star na si Gong Yoo.

Credit: Kuya Kim instagram

Itong mga litrato na ito ang magpapatunay sa sikat na kataga ni Kuya Kim na “ang buhay ay weather, weather lang” dahil tulad ng panlabas na anyo ng isang tao, sa paglipas ng panahon ay maraming nagbabago sa buhay ng tao kaya ang buhay ay weather weather lang.

Credit: Kuya Kim instagram

si Jose Atienza ay ang panganay sa tatlong anak ni Kuya Kim at siya ay isang piloto rin. Sa mga post sa Social Media ni Kuya Kim ay makikita kung gaano sila kaclose mag-ama.

Tulad na lamang noong nakasama ni Kuya Kim ang anak niyang si Jose sa eroplano at si Jose ang naging Piloto.

Credit: Kuya Kim instagram

Pati noong graduation ni Jose na ginawan siya ng isang makabagbag damdamin na letter ng anak niyang si Jose. Kitang kita kung gaano kasupportive na ama si Kuya Kim sa kaniyang mga anak at kung gaano rin naman siya kamahal ng kaniyang mga anak.

Credit: Kuya Kim instagram

Narito ang iilan sa mga komento ng mga followers ni Kuya Kim:
“I thought the first photo was @jhatienza!”
“Pogi mo po kuya @kuyakim_atienza bagets”
“Gongyoo ikaw ba yan?”