Tingnan ang nakakatuwang twinning outfit ni Mommy Assunta at ni Baby Fiore

Labis na saya ang naramdaman ng aktres na si Assunta de Rossi nang ibalita niya sa publiko ang kanyang pagbu-buntis noong Mayo sa taong 2020 dahil ito ay ang unang beses na nag-dalang tao ito matapos ang 16 taon kasal sa kanyang asawa na si Jules Ledesma.

Credit: Sammy Whammy instagram

Kaya naman hindi matutumbasan ang nararamdamang excitement at saya sa puso ng aktres nang malaman nito ang magandang balita dahil matagal na nitong hinahangad ang magkaroon ng anak.
At dahil may edad na rin si Assunta ay hindi naging madali ang kanyang pagbu-buntis dahil bukod sa may edad na ito ay mayroon din itong dinadamdam na mayoma at end0metri0s!s kaya mas naging m@hirap sa aktres ang naging pagbu-buntis.

Credit: Sammy Whammy instagram

Sa kabila ng hindi naging maadaling proseso ay matagumpay na ipinanganak ni Assunta ang kanyang first baby na tinatawag nitong ‘miracle baby’ dahil sa kabila ng nangyari at pinag-daanan nilang mag-ina ay healthy pa rin itong lumabas sa sinapupunan nito.

Credit: Sammy Whammy instagram

Noong Oktubre sa parehong taon ay nasilayan na ni Assunta ang kanyang first baby at kaagad na ipanabatid ito sa publiko. Ang kanyang first baby ay isang baby girl at ipinangalanan nila ito bilang Baby Fiore.

Credit: Sammy Whammy instagram

Hindi lamang ang mag-asawang sina Assunta at Jules ang matagal nang nag-dadasal na magkaroon ang mga ito ng anak dahil pati ang mga pamilya ng mga ito ay matagal nang nag-dadasal na magka-anak ito lalong-lalo na ang kapatid ni Assunta na si Allesandra de Rossi na isa sa mga nangungunang magbahagi ng magandang balita sa kanyang Instagram account noon.

Credit: Sammy Whammy instagram

Simula noon ay lagi nang nagbabahagi si Assunta sa kanyang Instagram account ng mga cute na cute na letrato ni Baby Fiore pati na rin ang mga moments nilang mag-ina at ng kanyang kapatid na si Allesandra dahil super hands-on tita ito sa kanyang pamangkin.

Credit: Sammy Whammy instagram

Sa latest post ni Assunta sa kanyang Instagram account ay makikita ang kanilang letrato ng kanyang miracle baby at mapapansin kung gaano ito lumaki matapos ng ilang buwan nang ipanganak ito ng aktres. “Vintage 1960” saad nito sa kanyang caption.

Credit: Sammy Whammy instagram

Sa letrato ay naka-suot ng matching dress ang mag-ina at cute na cute sa retro style ng mga ito. Isama mo pa ang retro at vintage filter na mayroon ang letrato kaya naman nagmukhang mula pa sa taong 1960 kinuhanan ang letrato na base sa naging caption ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)

Isa lamang ang letratong ito sa mga outfits na ibinibida ni Baby Fiore sa Instagram ng kanyang ina dahil madalas bihisan ni Assunta ang kanyang unica hija ng mga magaganda at cute na dress at costumes na naging bonding na rin nila ng anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)

Ang pagde-dress up sa kanyang anak ang nagiging hobby na rin ni Assunta dahil makikita sa kanyang dating post na halos lahat ng outfits ni Baby Fiore ay ipino-post nito sa kanyang Instagram feed.