Tingnan ang napakagandang litrato ni Kristine Hermosa noong sya ay dalaga pa lamang

Nagtrending online at umani ng samut saring magagandang komento mula sa mga netizen ang larawan ni Kristine Hermosa na kanyang ipinost sa official facebook page nito na nilagyan ng caption na “Noong dalaga pa”.

Credit: Kristine Hermosa Facebook

Noong siya ay dalaga pa, makikita sa throwback picture ng aktres sa kabila ng kaniyang pagiging simple ay lutang na lutang na ang kanyang natural na kagandahan. Sinabi nga ng ilan na noon pa man ay isa na ang aktres sa mga artistang walang halong kemik@l at ret0ke ang kagandahan.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Sabi nga ng ibang mga netizen na pumuri sa aktres na habang tumatanda si Kristine, ay lalong lumalabas ang kanyang kagandahan at mas lalong lumalakas ang kanyang karisma na talaga naman nakabibighani.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Binansagan pa nga siya ng ilan na siya ang “Song Hye Kyo of the Philippines” at sinabing habang tumatanda, lalong gumaganda at ni hindi mapaghahalata na siya ay may asawa at mga anak na.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Bukod sa pagkakaroon ng magandang mukha ay tila namaintain pa rin nito ang magandang hub0g ng kaniyang katawan. Sinasabi rin ng marami na gaya nina Dawn Zulueta, Lucy Torres at Alice Dixon, si Kristine Hermosa ay isa rin sa mga matatawag na may “Timeless beauty” sa Pilipinas at “One of the most beautiful faces” sa showbiz.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Maalalang nakilala ang aktres dahil sa tambalan nila ni Jericho Rosales sa kanilang teleserye na “Pangako Sayo” at pelikula na “Forevermore” na talaga naming tumatak sa puso ng maraming viewers dahil sa galing ng kanilang pag arte at ganda ng kanilang chemistry na inakala nga ng marami na magtutuloy tuloy maging sa labas ng showbiz ang kanilang tambalan.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Maganda ang naging takbo ng showbiz career ng aktres hanggang noong siya ay ikinasal kay Oyo Sotto noong 2012 at pinili na lisanin ang showbiz upang matutukan ang asawa, apat na anak at ang panibagong biyaya na baby number 5 na kasalukuyan nitong ipinagbubuntis.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram