Tingnan: “Minnie Mouse” themed Zoom birthday party ng bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna

Hindi naging hadlang ang p@ndemya para maging masaya ang kaarawan ng bunsong anak ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Juana Luisa o Luna.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram       

Nitong January 8, ibinahagi ni Judy Ann ang ilang litrato kuha mula sa masayang selebrasyon nila sa kaarawan ni Luna.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Limang taong gulang na nga si Luna at para gawing espesyal ang kanyang kaarawan ay isang “Minnie Mouse” themed “virtual” birthday party ang inihanda ni Judy Ann para sa kanyang pinakamamahal na bunso.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Napakaganda ni Luna sa kanyang suot na pink dress habang sina Judy Ann at Ryan naman at ang dalawa pa nilang anak na sina Yohan at Lucho ay nakasuot ng isang pink tshirt.

Samantala, walang pagsidlan ang saya ni Luna habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan “online”.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Ikinuwento pa ni Judy Ann na sobrang nag-enjoy ang kanyang bunso kahit sa pamamagitan lamang ng video conferencing app na Zoom nakausap at nakalaro nito ang kanyang mga kaibigan.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Ayon kay Judy Ann, December pa lamang umano ay excited na si Luna sa kanyang “Minnie Mouse” themed birthday party.

“Our little bunny turned 5 yesterday.. she’s been looking forward to her “minnie mouse themed” zoom party with friends ever since after Christmas,” caption ni Judy Ann sa kanyang Instagram post.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Dagdag niya, “she had soo much fun, seeing and playing with her friends kahit virtual lang. thank you @teenabarretto for making this happen! Galing mo talaga mars! And a big shout out to our suppliers! ❤️❤️❤️ thank you sooo much! To our McDonald’s family… thank you for everyones food yesterday!”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

May nakakaantig na mensahe rin si Judy Ann para sa kanyang bunso sa ika-5 taong kaarawan nito.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Ani Judy Ann, “Our little potpot, my little sous chef, kikay baby, wacky bunso happy 5th sweetheart! Oh my.. parang hindi ka naman 5.. parang 25 ka na. ? the way you think, talk and understand are just some of your traits that truly amazes mommy and daddy.. we will forever be grateful for you sweetheart.. we love you forever and ever and ever.”