Vhong Navarro, ipinakita ang kanyang nakakalulang koleksyon ng rare at mamahaling sapatos na nakalagay sa kanyang dalawang palapag na walk-in closet

Nakilala ang Kapamilya actor at Showtime host na si Vhong Navarro, mula sa pagiging isang mahusay na komedyante at aktor sa industriya ng showbiz.

Credit: Vhong Navarro YouTube        

Ang mga pelikula na kanyang pinagbidahan noon ay patuloy na tinangkilik at hinangaan ng publiko, pati na rin ang pagiging mapagpakumbaba ni Vhong sa lahat ng mga natanggap na karangalan at tagumpay na kaniyang tinatamasa ngayon.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Kaya naman hindi na nakakapagtaka, na sa kabila ng kanyang kasipagan at pagsusumikap ay nakapagpundar ang aktor ng isang bahay para sa kaniyang pamilya.

Maliban sa pagiging “King of the Dance Floor”, nakilala rin si Vhong ng publiko bilang isang “Sapatos King” magmula sa bonggang walk-in closet na kaniyang ibinahagi sa publiko ay makikita ang natatanging koleksyon nito ng mga sapatos.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Dahil sa matagal na itong nire-request ng kanyang mga supporters, naisipan ni Vhong na ipasilip ang kanyang 2 palapag na koleksyon ng mga sapatos.

Magmula pa lamang sa unang palapag ng kanyang mga shoe collection, kamangha-mangha na ang mga naka-display nito na sapatos tulad na lamang ng Nickelodeon at Nike collection ng SpongeBob Squarepants, Patrick Star, at Mr. Krabs design.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Meron din naman ang ilang mga Disney at Nintendo shoes na nagmula naman mismo sa mga endorsement ng aktor.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Maliban sa mga ito ay nagpagawa din si Vhong ng mga personalized shoes, na kuha mula sa mga pelikula na kanyang pinagbidahan tulad na lamang ng Gagamboy, Mr. Suave at Agent X44.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Mayroon ding mga koleksyon na sapatos ang aktor na nagmula naman sa mga luxury brands tulad ng Alexander Wang, Dior at Louis Vuitton.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Sa huling bahagi ng kanyang walk-in closet tour ay ipinakita din ni Vhong ang mga koleksyon nito na timepieces, eyewear at mga damit na kanyang ginagamit sa trabaho.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Ipinakita din ni Vhong ang mga Bear Brick toys na aabot na sa mahigit 100 piraso, na ayon sa kaniya ito ang nagsilbing outlet niya nang magkasakit at pumanaw ang kanyang ama.

Credit: Vhong Navarro YouTube

Mula sa kaniyang mga ipinakitang koleksyon, hindi naman napigilan ng mga supporters ni Vhong na mamangha sa mga ipinakita ng aktor.

Credit: Vhong Navarro YouTube

“Very organized, so much ideas, ang galing, always idol Vhong. ❤️”

“Grabe yung collection! Boy version of heart. Super FASHIONISTA.”

“Pinaka the best walk-in closet na napanood ko. Pinaka maraming shoes pa 😅”