Vic Sotto, inaming ipinapasa-Diyos na lang niya ang mga namba-b@sh sa anak niyang si Tali

Isa ang anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria o mas kilala bilang ‘Tali’ sa mga hindi nakaligtas sa pambu-bul|y ng mga b@sher sa social media.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram        

Ngunit bukod kay Baby Tali ay mas higit na naapektuhan ang mga magulang nito na sina Vic at Pauleen sa mga masas@kit na salita na ibinabato ng netizens sa kanilang anak.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Sa programa ni broadcast journalist Jessica Soho tuwing linggo ng gabi na “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ay nagsalita na nga si Vic tungkol sa isyu ng pambu-bul|y sa bunso niyang anak online.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Ayon kay Vic, mas mahalaga umano sa kanya na maraming napapasaya si Baby Tali. Aniya, “Ang importante naman, higit na nakararami ‘yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay.”

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Dagdag ni Vic, na ipinapasa-Diyos na lamang niya ang mga b@shers na pumupuna sa anak niya.
Ani Vic, “Tapos ‘yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin ‘yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang ‘yon.”

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Sinabi rin ni Vic na sinusubukan na lamang niyang unawain ang mga taong namba-b@sh sa kanyang anak dahil baka may mga problemang pinagdadaanan ang mga ito sa kanilang buhay.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Saad pa ni Vic, “Mas importante, mas nakararami ‘yung good comments.”

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Mayroon ding mensahe si Vic para sa lahat ng mga gumagamit ng social media. Aniya, “One of the risks, disadvantage lalo na sa social media ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa paggamit ng social media.”

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Dagdag pa ng “Eat Bulaga” host, “Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala na sila. Kanya-kanya namang opinyon ‘yan. Nasa demokrasya tayo pero let’s be responsible sa ating mga post, sa ating mga comment.”

Samantala, ibinahagi din ni Vic na mas nagkaroon siya ng maraming oras na maka-bonding ang kanyang asawa at anak ngayong panahon ng qu@r@ntine.

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Kwento ni Vic, “As a matter of fact, ako’y natuwa…kasi most of my life sa showbiz I was always out of the house nagti-taping. So, nu’ng magsimula ‘yung qu@rantine nandun ‘yung feeling na, ‘Uy, ano ‘to? Maraming nahihirapan.’ Pero on a personal note, it gave me time for more bonding with my wife and si Tali.”

Credit: Marie Pauleen Luna- Sotto Instagram

Sina Vic at Pauleen ay ikinasal noong January 30, 2016 pagkatapos ng apat na taon na pagiging magkasintahan. November 6, 2017 naman nang ipanganak ni Pauleen ang kanilang unang anak.