Vicki Belo at Hayden Kho, inilabas na ang video ng kanilang nakakaiyak na wedding vows na sinabi nila noong ikinasal sila sa Paris

Isang dream come true ang mapangasawa ang taong pinakamamahal mo. Ito ang taong sasamahan ka sa hirap o sa ginhawa, sa sakit o sa kalusugan, at pang habang buhay.

Credit: Vicki Belo Instagram      

Halos tatlong taon na ang nakalipas nang ikasal sila Dra. Vicki Belo at si Hayden Kho sa Paris, France. Ito ay matapos ng kanilang labindalawang taong relasyon.

Unang nagkita si Vicki at si Hayden nang maging judge si Vicki sa Mr and Miss Medicine pageant sa University of Santo Tomas noong 2005. Nagpakilala si Vicki sa kanya at nalaman ni Vicki na si Hayden ay sikat noon sa kanilang unibersidad hindi lamang dahil siya ay si Mr. UST kundi dahil isa din siyang varsity ng kanilang basketball team.

Credit: Vicki Belo Instagram

Inimbitahan ni Vicki si Hayden na bumisita sa kanyang clinic para matutunan ang pasikot-sikot ng pagiging plastic surgeon. DIto nagsimula ang love story ng dalawa.

Ilang taon matapos ikasal ang dalawa, inilabas ni Vicki sa kanyang YouTube channel ang video ng naging wedding vow nila sa isa’t isa. Sinambit nila ito sa kanilang Christian church wedding sa Paris. Ito ang sinabi ni Vicki sa caption ng kanyang video.

Credit: Vicki Belo Instagram

“Just wanted to share with you all the never before seen footage of the sweet vows that Hayden and I shared to each other during our wedding.”

“The past week has been full of look-backs and remembrances of our wedding almost 3 years ago already, and one thing that still sticks with us to this day are the vows and the commitments Hayden and I made to each other. The promises we made back then still ring true even until now. Hope you all enjoy!”

Credit: Vicki Belo Instagram

Sa video, sinabi ni Vicki kung bakit pinili nila ni Hayden na magpakasal.

“The reason why we are getting married is because we want to honor G0d and we want to live a life that’s pleasing to Him.”

Makikitang napaka-emosyonal ng dalawa habang sinasambit ang kanilang wedding vows.

Credit: Vicki Belo Instagram

Puno ng pasasalamat ang naging mensahe ni Vicki para kay Hayden.

“When I was at my ugliest and when I couldn’t even look in the mirror because I was so ugly in my mind, I would look at my reflection in your eyes and you would always make me feel beautiful and desirable. So thank you for all that.”

Credit: Vicki Belo Instagram

“For that, I promise to be the wife that God made me to be. I promise to be a companion for you. I will comfort you and will make you feel better when you are tired and sad.”

Si Hayden naman ay sinumulan ang kanyang vow sa pamamagitan ng pagalala sa kanilang mga pinagdaanan sa 12 years ng kanilang pagsasama.

Umiiyak din na nagpasalamat si Hayden sa pagstay ni Vicki sa piling niya sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa kanya.

“You saw me at my best. You saw me at my worst. And to be honest, until now, I really don’t know what you’ve seen in me.”

Credit: Vicki Belo Instagram

Ang nag-iisang pangako na ibinigay ni Hayden kay Vicki ay “walang iwanan”.

“You are the one that God gave to me to remind me of the meaning of my life. You are the treasure of my heart. There’s nothing that you can do that will ever make me stop loving you and I will be your forever kakampi even if I lose the friendship of everyone, I will be on your side, by your side.” 

Panoorin ang buong video dito: