Vin Abrenica at fiance nitong si Sophie Albert, masayang ibinahagi na baby girl ang kanilang magiging unang anak

Isang araw matapos ibahagi ang kanilang engagement, ang magkasintahang Vin Abrenica at Sophie Albert ay sinorpresa ang kanilang social media followers nang ibinalitang inaasahan nila ang kanilang unang supling.

Isiniwalat ng magkasintahan Abrenica at Albert ang nakatutuwang balita na ito sa kanilang mga Instagram accounts. “I can’t wait to hold you,” saad ng aktres na si Sophie Albert sa kaniyang ipinost na larawan na ipinapakita ang kaniyang baby bump.

Credit: Vin Abrenica instagram

“Thank you everyone for your all warm wishes. Our hearts are full. Happy Valentine’s day, I hope all your hearts are filled to the brim,” dagdag pa niya. Sa kabilang banda, hindi rin naitago ni Abrenica ang pagkasabik na masilayan na ang kanilang anak.

Credit: Vin Abrenica instagram

“Ahhhh! I can’t wait! Gigil,” pagbabahagi niya. Araw ng sabado ng ibinalita nilang sila ay ikakasal na, ibinahagi rin nilang buwan ng Disyembre nang maging opisyal ang kanilang engagement.
“You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert,” saad ni Vin Abrenica sa kaniyang caption sa ipinost niyang larawan nilang magkasintahan na underwater k!ss!ng.

“We’ve grown up together and I look forward to growing old together. Good luck @itssophiealbert, you are stvck with me for life. We’re engaged!”

Credit: Vin Abrenica instagram

Samantala, si Sophi Albert naman ay nagbalik tanaw sa mga pagsubok na hinarap nila sa mga nagdaang taon, bago pa man ang naging proposal ng kaniyang minamahal. “Before 2020 came to an end, the love of my life proposed to me,” sabi niya.

Credit: Vin Abrenica instagram

“Despite all the challenges we had to face, we were able to close the year filled with so much hope and love as amazing surprises happened in our lives. We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! We are engaged!”

Credit: Vin Abrenica instagram

“Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life.” Dagdag pa ng aktres. Ang magkasintahang Abrenica at Albert ay nagmamahalan na sa loob ng 8 taon, at kilala na ang isa’t-isa sa 9 na taon.

Credit: Vin Abrenica instagram

Matapos ang kanilang 8th year anniversary noong buwan ng Enero, ibinalita ng magkasintahan na sila ay magsasama na sa kanilang bagong bahay na malapit na ring matapos.