Vlogger na si Toni Fowler, pinakita ang kanyang napakalaki at magandang tahanan na tinawag nyang “Toro de Palacio”

Sino ang nangangarap dito na magkaroon ng mansion balang araw?

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Marami nga sa atin simula pa lang nang tayo ay bata nangarap na na magkaron ng mala palasyong bahay na may mga magagandang upuan at lamesa, may mga mala engrandeng hagdan na makikita lamang sa mga Disney Movies, na tila ang pagkakaroon nito ay pagkakaroon na rin ng koronang iyong pinaghir@pan.

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Isa na namang pangarap ang natupad dahil sa sipag, tyaga at diskarte. Si Toni Fowler, isang Youtube influencer ay isa na nga ngayong may ari ng isang mansion.

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Sa isa nga nitong blog ay ipinasyal nya tayo sa napaka bongga nitong ‘Toro de Palacio” na bagamat kulang pa ng ilang mga kagamitan ay kitang kita ang kagandahan nito, na tila ang paglakad pa nga dito ay dadalhin ka na sa pangarap mo na maging prinsesa o prinsipe kahit na sandali.

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Kamakailan lang ay kalilipat pa lang ng influencer na ito sa kanyang bagong condo at ngayon ay sinorpresa nga tayo ni Toni ng bago nanaman nyang titirahan na hindi lang simple kung hindi isa nga palasyo kung maituturing sa ganda at laki nito.

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Proud na proud ngang pinakita ni Mommy Oni ang kanyang mansion, na may malalaki pang chandelier. Pinakita nya din ang kanyang parking lot na sobrang luwang na sabi pa na kahit ilang sasakyan ay kasya dito.

Ibinahagi rin ni Mommy Oni na lahat ng sulok ng bahay ay may floor-mounted airconditioning unit. Naghayag din siya ng mga planong palitan ang kasalukuyang salas bilang dance studio para sa kanya at sa kanyang tanging anak na si Tyronia.

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Nang makarating naman sa 10-seater dining room, ibinahagi ni Tonikung gaano nya ni look forward ang paglipat nila dito. Ipinaliwanag naman ni Mommy Oni ang dahilan kung bakit pinangalanan nya ang kanyang pinatayong mansion bilang “Toro de Palacio”,

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

“Kasi sa Toro home, sa dami namin dun, batch by batch (kumain). Ganun yung ganap kasi hindi kami kasya kaya yung iba nakatayo. Pero minsan pinipilit namin, may nakaupo sa lapag, may nasa kusina.

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Siyempre mas masaya yung sabay sabay kayong kumakain. At dito ako magpapa-meeting pag badtrip si Mommy Oni. Feeling ko ito ang magiging bonding namin ng aking pamilya, ng Toro family. Kasi lagi kaming nag-ba-bonding pag kumakain eh. Sa sobrang busy namin, pag kumakain kami dun na lang kami nakakapag-bonding.” Sabi nya.

Credit: MOMMY TONI FOWLER youtube

Tunay nga na kakaiba ang pakiramdam na maabot mo ang iyong pinapangarap na noon ay di mo makuha dahil na rin sa iba’t ibang sirkumtanya.Bagamat ganoon, alam natin gaya ng kay Toni ay darating din ang atin, basta tayo ay magsumikap.