Willie Revillame, ipinakilala sa “Wowowin” ang kanyang unico hijo at bunsong anak na si Juamee Revillame

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakilala ni Kapuso host Willie Revillame sa show na Wowowin ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Juan Emmanuel o mas kilala ring Juamee.

Credit: Wowowin YouTube   

Nitong October 9, sa kanyang afternoon show sa Kapuso network na “Wowowin” ay proud na ipinakilala ni Willie ang kanyang anak sa dati niyang asawa na si Liz Almoro.

Ani Willie, “At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame.”

Credit: Wowowin YouTube

Napanood din ng manonood kung paano makisama si Willie sa kanyang unico hijo. Sa programa, ay napansin ni Willie ang uso ngayong K-pop hairstyle ni Juamee. Tila gustong subukan ni Willie ang hairstyle ng kanyang anak kaya humingi ito ng suklay mula sa kanyang hairstylist at ginaya ang hairstyle ni Juamee.

Aniya sa programa, “Ba’t ba ganyan ang buhok niyan naka-ganon? K-pop? Penge ngang brush, K-pop nga ko. Uso ba ngayon ‘yan, K-pop?”

Credit: Wowowin YouTube

Inutusan din ni Willie si Juamee na ibigay sa kanya ang suklay. Ani Willie, “Juamee, give it to me. Give it to your daddy.”

Matapos maibigay ni Juamee ang brush kay Willie ay nagbiro pa ito tungkol sa ‘mamanahin’ ng kanyang anak.

Credit: Wowowin YouTube

Saad ni Willie sa anak, “Okay. Saka na kapag may mamanahin ka na. Parang gusto mo na akong mawala ah. Di… joke lang… mahal ko ‘yan.”

Dagdag pa ni Willie, “K-pop ha? Grabe ang panget ko. Mukha nga akong koreanong ewan ha.”

Credit: @planetumeboshi Instagram

Dahil sa pagbibiro ni Willie ay napuno ng tawanan ang loob ng studio ng “Wowowin”.

Credit: @planetumeboshi Instagram

Ikinasal sina Willie at Liz noong 2005 sa isang civil wedding sa Lipa, Batangas. Taong 2008 naman ng napawalang-bisa ang kanilang kasal.

Credit: @_marimonte Instagram

Si Liz Almoro ay isang modelo at beauty queen. Noong 2014 ay ikinasal muli si Liz sa dating hunk actor at ngayo’y isang businessman na si Victor Aliwalas. Mayroong isang anak ang mag-asawa na si Maximus Alexander.

Credit: @planetumeboshi Instagram

Samantala, bago pa man maikasal si Willie kay Liz ay ikinasal muna siya sa aktres na si Princess Punzalan.

Credit: @_marimonte Instagram

Bukod kay Juamee ay mayroon pang tatlong anak si Willie na sina Meryll, Louise Anne at Marimonte Shanelle.