Yamyam Gucong, hinangaan dahil sa kanyang pagiging mapagkumbaba kahit marami na ang naipundar matapos manalo sa Pinoy Big Brother

Isa sa mga kilalang Big Winner ng Pinoy Big Brother house ay si William Gucong, o mas kilala bilang Yamyam. Ang dami nga namang taong napasaya ni Yamyam. Lumabas man siya sa bahay ni Kuya ay mahal na mahal siya ng lahat dahil sa kanyang kabaitan at pagiging totoo sa buhay.

Sa kanyang mga napanalunang premyo ay naitulong niya ito sa kanyang pamilya. Kaya naman si Yamyam talaga ang inaasahan sa kanyang pamilya.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

“Kasi kusa ko talaga itong ginagawa kasi ganito ko sila kamahal. Atsaka ayokong makita sila nang gaya ng dati na mahihirapan o makita ko silang umiiyak dahil sa gutom,” saad ni Yamyam.

Ngayon, isa din ang kanyang naipundar ay ang negosyo niyang bakery sa Bohol na
‘ Tinapay ng big winner ‘ – Yamito’s BakesHop. Isa sa mga plano niya ay ang magkaroon na ng mga branches sa ibang lugar lalo na sa Maynila.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

Sa ngayon, ang nais na niya ay ang makapagpatuloy sa kanyang pag aaral.

“Sana mag-aaral ako this year, pero maraming pumapasok na raket e, yung blessings. So kung babalansehin ko, parang mahirap siya. So siguro next school year, babana,” kwento niya.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

Isa nga namang inspirasyon si Yamyam. Siya ang patunay na anumang hirap at mga pagsubok ng buhay ay kayang kayang lagpasan sa tulong ng Diyos. Walang imposible sa sipag at tiyaga. Sa taong may pangarap ay kayang kaya. Iyan ang personalidad na mayroon si Yamyam.

Narito naman ang mga komento at papuri ng mga netizens kay Yamyam.

Credit: Yamyam Gucong Instagram

Congrats..& Good luck..Yamyam..it is only the beggining…do your best..pero..i believe…in your guts…and you are a wise spender…that’s my boi..???

Congrats YAMYAM, happy for you, natupad narin ang pangarap mo sa buhay para sa family mo.. Stay blessed Salamat din sa Abs-cbn sa laking tulong nyo sa mga taong nangangailangan ng tulong, God bless you more???

Credit: Yamyam Gucong Instagram

“Wow , congratulations yam2x ug sa tibuok pamilya..more blessings to come yam ??basta tiwala Lang kay God”