9-year-old na vlogger na si Mary Grace Escober, viral matapos pumalo sa mahigit 100K ang dating 2 subscriber lang niya

Isa sa nagsisilbing inspirasyon ngayon para sa mga aspiring YouTube vlogger ang siyam na taong gulang na si Mary Grace Escober.Kahit kasi dalawa lang ang subscriber na ng kanyang YouTube channel ay nagawa pa rin ni Mary Grace na i-celebrate ang kanyang small achievement.

Nitong October 11, ay nag-post si Mary Grace sa kanyang Facebook account ng isang larawan kung saan makikita siyang sini-celebrate ang pagkakaroon niya ng dalawang subscriber.Isang cupcake at McCrispy Chicken Fillet at Fries ang inialay ni Mary Grace sa kanyang dalawang subscriber.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Aniya sa caption, “Happy 2 subscriber”Dahil sa ipinakitang positibong pag-uugali ni Mary Grace ay agad siyang nag-viral.Matapos ang kanyang viral post ay isang magandang biyaya naman ang natanggap ni Mary Grace.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Kagaya ng ilang nangangarap na maging matagumpay sa mundo ng pagba-vlog ay agad na tumaas ang bilang ng subscribers ni Mary Grace.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Mula sa dalawang subscriber ay agad na pumalo sa 100K ang subscriber ni Mary Grace.
Tila natupad ang hiling ng aspiring YouTuber na magkaroon ng maraming subscriber ang kanyang YouTube channel.

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Sa panibagong Facebook post ni Mary Grace, ay nagpasalamat siya sa lahat ng nag-subscribe sa kanyang YouTube channel.

Caption ni Mary Grace sa kanyang FB post, “Thank you so much 100K subscribers!!! Sobrang happy po namin ng family ko ngayon hindi namin ito inasahan maraming salamat po talaga sa lahat ng sumusuporta sa akin! God bless us all”

Credit: Mary Grace Escober Facebook

Samantala, umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang kwento ni Mary Grace.

Komento ng netizens:
“You see gratitude goes a long way😊 All the best to you young lady!”
“Always be Gratitude in small things and grateful heart…Congrats neng 130k ka na…”
“ganito dapat. Nakita ko to eh. Natuwa ako sa effort ng Bata. 😉”

Credit: Mary Grace Escober Facebook

“Dont stop dreaming baby girl! Im happy you know how to appreciate antthing, no matter how small or big it is. God bless you!””Kailangan natin gayahin ang attitude ng bata. Mag thank you kahit sa maliit na blessings.”Sa panahong isinusulat ito ay umabot na sa 158K ang subscriber ni Mary Grace sa kanyang YouTube channel.