Asong nastranded sa bubong ng isang bahay at amo nito na kahawig ni Vic Sotto, usap-usapan ngayon sa social media

Hindi lamang ang mga tao ang matinding naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa National Capital Region kundi pati na rin ang mga alagang hayop. Sa kasagsagan ng matinding pagbaha ay maraming alagang hayop ang naiwan ng kanilang mga amo.

Credit: Larry Monserate Piojo Facebook

Kagaya na lamang ng isang alagang aso na nastranded sa bubong ng isang bahay sa San Mateo, Rizal. Dahil sa lampas tao na baha ay hindi makaalis ang aso sa bubong ng bahay.

Nakuhanan ng letrato ng isang netizen na nagngangalang Larry Monserate Piojo ang nakakalungkot na sitwasyon ng alagang aso habang stranded sa rooftop ng bahay.

Credit: Larry Monserate Piojo Facebook

Makikita rin sa letrato na ilang sandali na lamang ay lalamunin na ng tubig baha ang bahay na kinatitirikan ng alagang aso.

“Dog stuck on a rooftop in San Mateo, Rizal,” sulat ni Larry sa kanyang Facebook post.

Matapos i-upload ng nasabing netizen ang larawan sa kanyang Facebook account, nag-viral agad ito at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa iba pang netizens. Maraming netizen ang nalungkot sa sitwasyon ng aso.

Mabilis naman kaagad na shinare ng iba pang Facebook user ang post ni Larry upang tawagin ang pansin ng mga rescuer. Nadinig naman agad ang mga hiling at dasal ng mga netizen dahil tuluyang nasagip ang aso na kinilala bilang si Rambo.

Sa sumunod na post ni Larry, ay nagbigay siya ng update at inanunsyo na nasagip na si Rambo at nasa pangangalaga na ng kanyang amo na si JR.

Credit: Larry Monserate Piojo Facebook

Isang letrato ang in-upload ni Larry kung saan makikita si Rambo na hawak ni JR. Masayang-masaya naman ang mga netizen sa pagkakasagip kay Rambo.

Naging usap-usapan naman ang amo ni Rambo na si JR dahil kahawig nito si Bossing Vic Sotto ng “Eat Bulaga”. Imbes na si JR ang banggitin ng netizens sa kanilang mga komento ay napalitan na ito ng “Bossing Vic”. Komento ng netizens:

“Da best ka talaga bossing. Mabuhay ka dabarkads”

“Mabuhay ka bossing”

“Ambait talaga bossing vic”

“Grabe salamat bossing Vic talagaaa!”

“iba ka talaga bossing…go dabarkads”