Isang lalaki ang pinuntahan ng mga food delivery rider at dinalhan ng kanyang mga paboritong pagkain bilang pasasalamat sa kanyang pagtulong sa kanilang kapwa rider at iba pang mga nangangailangan

Naalala ba ninyo ang Syrian national na walang sawang tumulong sa mga pilipino ngayong panahon ng p@ndemya?

Siya ay si Basel at kilala siya sa kanyang vlog na The Hungry Syrian Wanderer.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Ilang linggo na nang nakalipas nang magtrending ang kanyang pangalan dahil sa pagbigay niya ng tulong pinansyal sa isang grab food rider. Para makatulong din sa mga frontliner ay nagsilbi din siya na isang driver para maihatid sila sa kanilang destinasyon.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Ngayon naman ay baliktad ang nangyari dahil siya naman ang sinorpresa at binisita para pasalamatan.

Sa video na inupload ni Basel ay sinabi niya na may lalaki sa labas ng kanyang bahay at nagsabing nagpadeliver siya ng pagkain kahit wala siyang inorder. Inisip ni Basel na pinaprank lamang siya kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang camera at bumaba para buksan ang kanyang gate.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Laking gulat ni Basel na hindi lamang isa ang rider na pumunta kundi maraming grab food riders ang bumisita sa kanya para dalhan siya ng pagkain.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Sa kanyang Facebook post caption ay sinabi ni Basel na:

“Sumug0d sila sa bahay, sabi “delivery” pero di naman ako nag order. So I knew they are up to something so I grabbed my own camera. DONT ME BROOOOO. ?”

Sinabi ng isang rider ang dahilan kung bakit nila sinurpresa si Basel.

“Sir, kasi gusto namin magbalik ng favor kasi na-appreciate n’yo yung mga tao… lagi ninyong tinutulungan. So kami naman po nagbigay kami ng konting surprise para sa inyo para kahit papano po maramdaman ninyo na we are thankful sa lahat ng mamamayang pilipino na tinulungan ninyo. Maraming maraming salamat po.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Dinagdag pa ng rider na ang dinala nilang surpresa ay hindi ganun kamahal pero alam nilang paborito ni Basel.

“Ito po hindi po ganun kamahal pero pinaghirapan po namin ito. Ito pong mga favorite ninyo na gusto n’yo po kainin po. Lahat po ito Filipino food po.”

Sa Facebook post ni Basel ay pinakita niya ang mga pagkain na dinala para sa kanya.

“They brought all the food I love, chicken pancit bihon, Okoy, tahong, Banana que, Maja Blanca at may pa Flying Saucer din si bro ??”

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

“This brother right here, arranging his banana que pasalubong he got for me. COOKED BY HIS OWN FATHER ?? #Grateful Siya din po pala yung bumalik at nagsabing “Sir Kunin Ko Lang Po Yung Lagayan” ? sino relate mga abugbog ni Nanay pag di binalik lagayan? ?”

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Napansin din ni Basel na ang isa sa mga nagsurpresa sa kanya ay ang lalaking binigyan niya ng tulong noon.

“If you remember him, he’s the same guy I helped on my recent vlog who kept saying “bibigay ko yang pera sa Nanay ko”. Now he brought me Maja Blanca cooked by his mom  #SalamatNanay”

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Bilang pasasalamat ni Basel sa mga food delivery riders na nagsorpresa sa kanya at sinakripisyo na hindi kumita sa araw na iyon ay binigyan na lamang niya ito ng kanyang The Hungry Syrian Wanderer tshirt.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

“Hindi ko alam pupunta kayo dito kasi I don’t have any idea that you are going here today that’s why I don’t have anything. I didn’t prepare anything to give you… kasi I’m not prepared what I’m gonna do is to give each one of you a shirt… ”