Kilalanin ang matipuno at pinakabatang Mayor sa Pilipinas na may girlfriend din pala na artista

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa ay maraming naglilingkod sa gobyerno ang mas naging aktibo sa public service. Maraming pangalan ng mga mayor ang naglabasan dahil hinahangaan sila sa kanilang dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Credit: @mayorbry Instagram

Isa sa mga umingay ang pangalan sa internet ay ang mayor ng Alaminos Pangasinan na si Bryan Celeste.

Si Arth Bryan C. Celeste ay nanalo bilang alkalde ng Alaminos City, Pangasinan noong siya ay 22 taong gulang pa lamang.

Credit: @mayorbry Instagram

Si Bryan ay ipinanganak noong June 5, 1996 at ang kanyang ama ay ang dating mayor din ng Alaminos na si Arthur Celeste.

Credit: @mayorbry Instagram

Nagtapos ang batang mayor ng BS Entrepreneurship sa De La Salle University-Manila.

Credit: @mayorbry Instagram

Nagsimulang pumasok sa mundo ng politika si Bryan nang manalo siyang barangay captain ng Barangay Magsaysay sa Alaminos.

Credit: @mayorbry Instagram

Kamakailan lang ay inamin ng girlfriend ni Mayor Bryan ang kanilang relasyon. Si Mayor Bryan pala ay boyfriend ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza. Si Pauline ay lumalabas sa teleseryeng Kambal, Karibal.

Credit: Pauline Mendoza Instagram

Sa Instagram post ay sinabi ni Pauline kung gaano siya kaproud sa kanyang mayor boyfriend.

“Proud of this guy right here! @mayorbry ???”

 

View this post on Instagram

 

Proud of this guy right here! @mayorbry ???

A post shared by Pauline Mendoza (@paulinemendoza_) on

Ayon sa isang interview kay Pauline, nagkakilala sila ni Mayor Bryan sa isang event ng kanyang iniendorsong produkto.

Ngayon ay nasa isang long distance relationship ang dalawa dahil sa layo ng kanilang tinitirhan. Si Pauline ay nakatira ngayon sa Marikina at si Bryan naman ay nasa Pangasinan.

Ayon kay Pauline ay nagworkout naman ang long distance relationship sa kanilang dalawa.

Maraming fans ang kinilig sa dalawa at nagsabing bagay sila.

“Kasweet naman yorme at mam pauline”

“Mayor nmin yan ah..the best yorme”

“Im so proud of you both Stay Strong… ❤️❤️❤️”

“Good for Pauline Mendoza. Congrats and wishes for her happiness through out her life.”

“Ayiieeh nakakakilig naman miss @paulinemendoza_ super proud kay bb @mayorbry”

“Salute you @mayorbry pakaingatan mo at mahamalin mo ang aming bebe @paulinemendoza_ so happy for Pau GodBless you both! ❤️❤️❤️”