Kilalanin ang pinay na sikat na sikat ngayon sa mundo ng TikTok

Isa ang video sharing application na “TikTok” sa mga patok ngayong gamitin ng mga netizen. Ngunit alam ninyo ba na may isang Filipino na namamayagpag ngayon sa TikTok? Kilalanin siya sa artikulong ito.

Credit: Bella Poarch Instagram     

Siya ay si Bella Poarch, isang Filipino na naka-base sa Amerika. Si Bella ay ipinanganak sa Pilipinas taong 1997 at noong 13-anyos nga ay umalis siya ng bansa kasama ang kanyang mga magulang para manirahan na sa Amerika.

Credit: Bella Poarch Instagram

Sa ngayon, ay nakatira sa Hawaii si Bella. Bago maging TikTok star si Bella ay nagsilbi muna siya sa United States Navy nang tatlong taon. Naging TikTok star si Bella matapos mag-viral ang kanyang “M to the B” TikTok video na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 500 million ang views.

Credit: Bella Poarch Instagram

Ang nasabing viral video ni Bella ay itinuturing ngayon na isa sa mga “most watched” video sa TikTok.
Matatandaan naman na naging laman ng balita si Bella matapos siyang batikusin ng mga Koreano dahil sa isa niyang tattoo.

Credit: Bella Poarch Instagram

Bukod kasi sa kanyang cute na mukha at personality, ay kilala rin si Bella dahil sa kanyang maraming tattoo. Isa na nga rito ang kanyang tattoo na kahawig ng rising Japanese sun. Ang tattoo kasi na ito ni Bella ay isang simbolo ng ‘oppression’ para sa mga Koreano.

Credit: Bella Poarch Instagram

Agad namang humingi ng tawad si Bella sa lahat ng nasaktan sa kanyang tattoo at sinabing mahal umano niya ang bansang Korea.

Mensahe niya para sa mga ito, “I’m very sorry if my tattoo offends you. I love Korea please forgive me.”

Samantala, isa pang bagay na ibinunyag ni Bella sa lahat ay ang pagkakaroon niya ng mental health problems.

Credit: Bella Poarch Instagram

Sa isang Twitter post, ibinunyag ni Bella na siya ay nakakaranas ng mental health problems. Pag-amin niya sa kanyang Twitter post, “I’m diagnosed with major d3pressive d!sorder and PTSD since 2017. So don’t worry about me, I’ve been living with it and I have a good support system to help me.”

Credit: Bella Poarch Instagram

Noong April 2020 lamang gumawa ng TikTok account si Bella at magmula noon ay nakakamangha ang pagtaas ng bilang ng kanyang mga follower. Sa panahon na isinusulat ito ay mayroon nang mahigit 43 million followers at 700K likes si Bella sa TikTok.